Skip to main content

FaiRy


Ipagpaumanhin, na ako’y di makadadalo;
Sa inyong pagbibigkis, araw din ng patakbo.

Isa lamang paalala, ang aking habilin:
Bagong yugto, inyo nang tatahakin.

Ito'y hindi biro't, hindi rin laro;
Sa mga pagsubok, kayo’y wag susuko!

Batuhan ng palayok, sandok man o gulok,
Iyan nama’y pagdaraanan, wag lamang tutusok!

Ang paka-iiwasa’y, hampas ng dila;
Walang tumbas na sakit, daig pa ang bala!

Subalit ang dila, ito ri’y nagpapaligaya;
Basta’t alam lamang, na kayo’y magparaya! ;)

Kung inyong mararapatin, ang aking pag-imbita:
ikagagalak na kayo ri'y makita;
Ito nama'y paanyaya lamang,
kung doo’y inyong nais magpulo’t-gata!

Imaheng gawa ni #HotZerina (LaZer)

Best Wishes Faith and Ryan!

Comments

Popular posts from this blog

A Heart For You Beats High

Image courtesy of Horvath What mattereth in a calm heart, that from you I cannot depart? A genial feeling overpowereth my smart, like a tranquil beauty of a portrayed art. What ariseth in a sleeping heart, that you had always been a part? A life filled with happiness, joy, and mirth, seemeth to me that I am in a new birth; What hath thou doest to me, that I have such love to thee? A weak heart doth jumpeth with glee, like a bird in mighty doth flee! Background: 04Nov1998 @ 1029a, the poem's title was derived from the last verse of Rizal's poem entitled " To Josephine " which reads "late por ti un Corazon" in spanish. This poem was inspired by one silent lady whom I have fallen in love with back in my College days (aherm!).

Kalawakan

Kalawakang walang hanggan, kalawakang 'di lumilisan; Parang langit ang kapangyarihang, natatanaw sa dalampasigan. Sa dilim ng gabi'y, liwanag ang iyong taglay; Sa paggising ng umaga'y, pag-asa ang naka-alalay. O ano'ng hiwaga ang nadarama! sa kagandahan mong kahanga-hanga; Tunay at walang hanggang ligaya, sa iyo, nadama't nagsimula. Image credit from exoduspodcasts Background: 02Sep1997 @ 0430p, my first impromptu poem at school during our Filipino subject as a fulfillment for the requirements.